News

PRESS RELEASE No. 31-02

By Jhun, Provincial Planning And Development Office
Published 01:53 PM, March 13, 2017

Bumisita kay Gobernador Manuel N. Mamba sa kauna-unahang pagkakataon ang CLMCPA, Inc. kamakailan simula nang naorganisa ang grupo noong taong 2004.

Pinangunahan ni Fredelino D. Agpuldo, CPA at Municipal Accountant ng bayan ng Sta. Praxedes ang pagbisita ng 21 na Accountants sa Gobernador.

Napag-alaman kay Patria C. Guirren, CPA at League Treasurer ng grupo, ang pagbisita ng grupo sa Gobernador ng probinsiya ay ngayon lang isinagawa, bagamat marami nang nagdaang Gobernador ng lalawigan.

Sa pag-uusap ng grupo sa Gobernador, nagpahayag ang ama ng lalawigan ng pagsuporta sa grupo at sinabi nitong malaki ang magiging papel ng mga ito sa kanyang administrasyon.
Partikular na binanggit ni Gob. Mamba ang magiging tulong ng grupo sa liquidation ng mga pondong ibaba nito sa bawat barangay sa ilalim ng kanyang programang “No Barangay, No Town Left Behind”.

Magsisilbing katuwang ng Gobernador ang CLMCPA Inc. sa mga usaping ito, pahayag pa ng Gobernador. (Aida B. Cabauatan)