News

PRESS RELEASE 01-03

By roland_bc_3k1tq888, Cagayan Provincial Information Office
Published 03:14 PM, March 13, 2017

Pinahahanda na ni Gov. Manuel Mamba ang cash incentives na gantimpala ng Provincial Government para sa mga individual gold, silver at bronze medalists ng Cagayan delegation na sumabak sa katatapos na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) 2017 na ginanap sa Ilagan City, Isabela.

Bukod sa mga individual medalist ay mabibigyan din ng cash incentives ang mga group medalists batay sa guidelines ng DepEd.

Nagdesisyon din ang gobernador na bigyan din ng pinansyal na insentibo ang mga medalist ng Tuguegarao City delegation na katumbas ng kalahati sa matatanggap ng mga manlalaro ng Cagayan.

Hangad ng ama ng lalawigan na sa pamamagitan nito ay lalo pang pag-iibayuhin ng mga kabataang atleta ng Cagayan ang kanilang husay at galing sa kani-kanilang larangan.

Labis namang ikinatuwa ni Gov. Mamba ang pag-over all champion ng Cagayan delegation kaya agad niyang binati ang mga ito at bigyan ng arrival honors sa Kapitolyo kaninang umaga.

Pinangunahan din ng punong panlalawigan ang awarding ceremony kanina sa Cagayan Sports Complex para sa mga kampeon at buong delegasyon.

Binigyang diin ni Gov. Mamba sa harap ng mga CaVRAA 2017 Champions na mapahusay at mapa-unlad pa lalo ang sport development ng probinsiya para sa Kabataang Cagayanos.

Mas higit aniyang dapat hubugin ang mga atletang tunay na mga Cagayanos para makasabay saan mang paligsahan sa larong palakasan

Matatandaang hindi nag-atubili si Gov. Mamba na ibigay ang 13.2M budget para sa training, equipment, cash at food allowance ng mga atleta ng Cagayan.###

📷 Francis Villanueva Jorque