News

PANGULONG DUTERTE, NAGTALAGA NG BAGONG CEZA ADMINISTRATOR SA KATAUHAN NI ATTY. RAUL LAMBINO!

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 07:59 AM, July 14, 2017

Itinalaga ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang kilalang kaalyado ng dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Atty. Raul Lambino ay naitalaga bilang administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

READ:  Pagbili ng potassium, hinigpitan ng PNP, Mango Growers Association, problemado

Pinalitan ni Atty. Lambino sa CEZA position si Jose Mari Ponce.

Si Lambino ay dating tagapagsalita at legal counsel ni Arroyo.

Samantala, ang iba pang bagong appointees ni Pangulong Duterte ay si dating National Disaster Risk Disaster and Management Council (NDRRMC) executive director Eduardo del Rosario bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

READ:  Pag-alis ng PIA-Cordillera sa kanilang opisina para gawing Office of the ES, napuna

Ang HUDCC ay dating hinawakan ni Vice President Leni Robredo.

Si Del Rosario ay dating appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino.