News

MGA CAGAYANO MULING PINAMALAS ANG GALING SA RADIOLOGIC TECHNOLOGIST LICENSURE EXAMINATION AT PHILIPPINE NATIONAL SKILLS COMPETITION

By Mark Paul Manaligod, Provincial Information Office
Published 04:22 PM, May 18, 2017

Muling pinamalas ng mga Cagayano ang galing sa katatapos na Radiologic Technologist Licensure Examination nitong buwan ng Hulyo kung saan tatlo ang nakapasok sa Top Ten. Isang silver medalist naman sa Philippine National Skills Competition ang kuwalipikadong nakapasok sa nalalapit na International Skills Competition.

Kinilala ang galing ng mga topnotchers sa pamamagitan ng paghain ng isang resolusyon noong Miyerkules, July 20, 2016 sa ginanap na 3rd Regular Session ng 9th Sangguniang Panlalawigan.
Ang nasabing resolusyon ay isang pagpapahayag bilang pagkilala at pagpapahalaga sa nakamit nilang karangalan. Ito ay isang insentibo at magsilbing inspirasyon sa iba pang mag-aaral at sa lahat ng Cagayano.

Ang taunang pagkakaroon ng topnotchers sa iba’t ibang national board examinations sa bansa ay muling nagpapatunay na ang probinsiya ng Cagayan ay tunay na “HOME OF TOPNOTCHERS.”
Ito ay isa ring paraan upang mas makilala pa ang ating lalawigan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Manuel N. Mamba at naniniwala na madadagdagan pa ang bilang ng mga topnotchers gayundin ang mga Cagayanong mag-uuwi ng karangalan sa probinsiya sa ilalim ng kaniyang pamumuno sapagkat ang kaniyang administrasyon ay nakatutok sa kapakanan ng mga estudyante at lahat ng sektor ng lipunan.

Sa ilalim ng kaniyang “No Barangay, No Town Left Behind Program,” pitong iskolar ang kakailanganin mula sa isang cluster kung saan pitong purok ang bumubuo ng isang cluster. Dahil dito, malaking tulong sa mga poor but deserving students kung saan malaki ang bilang ng mga kasama sa Top Ten ay mga anak ng mahihirap na pamilya.

Mga Cagayano na muling nagpamalas ng galing ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Bernardo Carbonel Ganotice III
Top 5-Radiologic Technologist Licensure Examination
Medical Colleges of Northern Philippines

2. Gellie Ann Maguigad
Top 9-Radiologic Technologist Licensure Examination
Medical Colleges of Northern Philippines

3. Abegail Lagmay Yap
Top 9-Radiologic Technologist Licensure Examination
Medical Colleges of Northern Philippines
4. Karen C. Fabella
Silver Medalist-Graphic Design Technology
Philippine National Skills Competition
AMA Computer College

5. Zyka Angelica C. Santiago
2nd Place-Freestyle Mixed Team
3rd Asian Junior Taekwondo Poomsae Championship
Taipei City, Taiwan

Kaugnay nito, isa pang resolusyon ang inihain sa Sangguniang Panlalawigan bilang pagkilala sa mga kolehiyo na nakapagtala ng topnotchers at achievers. Ito ay kinabibilangan ng Medical Colleges of Northern Philippines at AMA Computer College.