News

IMBENTARYO NG PROVINCIAL EQUIPMENT, ISINAGAWA

By Eugene Carlo C. Tolosa, Provincial Information Office
Published 02:14 PM, July 18, 2016

Nagsagawa ng imbentaryo ang Provincial Engineer’s Office (PEO) ito ay bilang pagsunod sa direktiba ni Gobernador Manuel N. Mamba upang malaman ang totoong kondisyon at kalidad ng mga heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sinabi ni Engr. Basilia Flores, Provincial Engineer na mayroong kabuuang bilang na 56 na heavy equipment ang kapitolyo.
Ang 48 dito ay nasa maayos na kondisyon pa at pwedeng magsilbi sa mga pangangailangn ng lalawigan habang ang walo namang heavy equipment ay kasalukuyang ipinapaayos.

Ang mga nasabing sasakyan ay kasalukuyang nakalagak sa Motor Pool.

Dagdag pa ni Engr. Flores na kasalukuyang pinag-aaralan ng butihing Gob. Mamba ang lahat ng nakalinyang proyekto na kanyang isinumite sa opisina ng Gobernador at kanya na lamang inaantay ang kautusan kung alin sa mga ito ang ipagpapatuloy.

Inihayag din ni Engr. Flores na siya at kasama ang 220 kawani ng PEO ay sumusuporta sa lahat ng proyekto, programa at kautusan ni Gob. Mamba at lahat ng mga proyektong ipapatupad ng kanilang opisina ay magiging alinsunod sa Cagayan Development Agenda ng Gobernador.