News

ATTY. EGON CAYOSA, PORMAL NANG NANUMPA BILANG EXECUTIVE VICE PRESIDENT NG IBP!

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:10 AM, July 14, 2017

NEWS REPORT
July 13, 2017

ATTY. EGON CAYOSA, PORMAL NANG NANUMPA BILANG EXECUTIVE VICE PRESIDENT NG IBP!

Pormal nang nanumpa bilang Executive Vice President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) National si Atty. Domingo “Egon” Quintos Cayosa sa harap ng Supreme Court en banc nitong nagdaang araw ng Martes, Hulyo-11.

Si Atty. Egon Cayosa ay manunungkulan bilang EVP ng IBP sa loob ng dalawang taon at pagkatapos nito ay otomatiko itong magsisilbi bilang National President ng naturang prestisyosong organisasyon ng mga abogado sa bansa.

Kalaunan ay makikilala si Atty. Cayosa na kauna-unahang IBP National President mula sa lalawigan ng Cagayan at sa buong Lambak Cagayan.

Bukod sa pagiging EVP ay magsisilbi ding Regional Governor ng IBP si Atty. Cayosa sa Rehiyon-02.

Naitala di sa kasaysayan ng IBP National Elections na tanging si Cayosa ang nakakuha ng unanimous vote sa nakalipas na 25-taon.

Matatandaang bukod sa pagiging topnotch corporate lawyer ay kilala din si Atty. Egon bilang Human Rights at Environmental activist.

Si Atty. Cayosa ay tubong Pamplona, Cagayan.

Ang kaniyang maybahay na si Atty. Milagros “Mitoy” Fernan-Cayosa na isang women and child rights advocate ay anak ng yumaong si dating Supreme Court Chief Justice at Senate President Marcelo ” Celing” Briones Fernan.

Kamakailan lamang ay nagsilbing hurado ng Search for Dangal ng Lahing Cagayano ang nasabing IBP National Executive Vice President.

📷 Cayosa Family