Activity / Event

GOV. MAMBA, BINUKSAN ANG PRODUCT AND TECHNOLOGY TRADE FAIR NG AGGAO NAC CAGAYAN 2017

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 09:19 AM, June 27, 2017

Sa pangalawang araw ng pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan 2017 o ang kapistahan ng pagkakatatag ng lokal na pamahalaan ng ating probinsiya ngayon, ika-26 ng Hunyo, opisyal na binuksan ni Governor Manuel N. Mamba ang isa sa mga pinakatampok na aktibidad, ang Product and Technology Trade Fair.

Kasama ng Gobernador sa programa kaninang umaga ang ilang mga Mayors, Vice Mayors, mga Municipal Agriculturists, iba’t ibang local officials, mga kinatawan ng national government agencies, mga department heads at empleyado ng Capitol, at ilang mga bisita.

Tampok sa Product and Technology Trade Fair ang mga naggagandahang booth ng iba’t ibang munsipyo na nakadisenyo ayon sa kanilang identity, kultura at ipinagmamalaking mga produckto (One Town One Product at secondary/biproducts ng OTOP).

Sa 29 na bayan ng Cagayan, 26 ang sumali sa taong ito upang ipakita ang kanilang local products- Iguig, Gonzaga, Tuguegarao City, Gattaran, Lal-lo, Tuao, Rizal, Sta. Ana, Sanchez Mira, Solana, Allacapan, Calayan, Aparri, Baggao, Buguey, Sta. Teresita, Piat, Sto. Nino, Ballesteros, Camalaniugan, Amulung, Enrile, Claveria, Abulug, Pamplona at Penablanca.

Ayon kay Pearlita Lucia P. Mabasa, ang Concurrent Provincial Agriculturist ng Cagayan, ang aktibidad na ito nagpapakita kung gaano kayaman ang lalawigan ng Cagayan sa agrikultura at pangingisda.

Nagpasalamat naman si Gov. Mamba sa partisipasyon ng iba’t ibang bayan sa selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan ngayong taon at ang kanilang pagsali sa trade fair.

Muli niyang hinimok ang lahat ng Cagayano na magsama-sama at magbuklod-buklod upang tiyak na malabanan ang iba’t ibang uri ng sulinarin ating kinakaharap sa pananong ito tulad ng kahirapan, illegal na droga at ang insurgency at terorismo.

“Lahat ng ating mga ginagawa, mga desisyon at mga plano bilang mga lokal na lider ng ating probinsiya ay may epekto sa ating mga kababayan at sa buong lalawigan. Unahin sana natin ang pagkakaisa at iwaksi natin ang pamumulitika. Bagkus, tayo ay sama-samang humarap sa ating mga problema,” sambit ng Gobernador.

Samantala, bukod sa mga local products ng bawat munisipyo, makikita din ang iba’t ibang booth ng national government agencies, mga private companies, sponsors, small enterprises at businesses.

Tampok din ang Trading Post and Auction kung saan makakapamili ang lahat ng iba’t iba uri ng produkto tulad ng grains, assorted, vegetables, rootcrops, condiments, shells, crabs at fish.

Ang highlight ng trade fair ayon kay Mabasa ay ang Best Dressed Booth award na ibibigay sa bayan na may kakaibang booth design at presentation, may certified One Town One Product display, at may overall audience impact.

Ang premyong ipapamigay sa mga mananalo ay P30,000 sa first prize, P25,000 sa second placer, at P 20,000 naman sa ikatlong panalo.
Ang Product and Tech Fair at Trading Post and Auction ay magtatagal sa Capitol Grounds hanggang ika-2 ng Hulyo, 2017. (MIELMIA MARIE BAQUIRAN)

#AggaoNacCagayan2017
#Aggao2017