Activity / Event

GABI NA PATARRADAY GINANAP SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON

By Maynard Guzman, Provincial Planning And Development Office
Published 08:46 AM, June 29, 2017

Ginanap sa kauna-unahang pagkakataon ang Gabi na Pattaraday kagabi June 27, 2017 kaugnay sa isang linggong selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan.

Ito ay isang makasaysayang pagtitipon ng mga provincial officials, municipal/barangay officials ng iba’t ibang bayan, provincial/regional directors ng national agencies, academe, NGOs, Media at iba pang opisyal ng lalawigan upang sila ay magkaisa na ipagdiwang ang pagkatatag ng civil government ng Cagayan.

Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ni Gov. Manuel N. Mamba at ang kaniyang butihing maybahay na si Atty. Mabel Villarica-Mamba kasama na rito ang mga consultants at department heads ng Kapitolyo.

Sa mensahe ng Gobernador, hinikayat niya ang lahat ng opisyal ng lalawigan upang samahan siya sa kaniyang adhikain na baguhin ang Cagayan at suportahan ang mga reporma na kaniyang ipapatupad para sa pagbabago.

“Kaduaendak ken suportarandak kakabsat tapno intay Pabaruen ti Cagayan. Hindi ko magawa na magisa ang pangarap na ito. Kailangan tayo ay magtulungan upang maiangat naman ang ating probinsiya.

Napagiwanan na tayo ng ibang probinsiya ng rehiyon dos.

Panahon na upang pagtuonan naman natin ng pansin ang ating probinsiya at isantabi muna ang personal na interest para sa kapakanan ng taumbayan,” dagdag pa ni Gov. Mamba.

Kaugnay nito, pinuri naman ni Sec. SILVESTRE H. BELLO III , kalihim ng Department of Labor and Employment, isa sa mga panauhing pandangal sa nasabing okasyon ang Gobernador dahil sa walang puknat na paghihikayat sa mga opisyal ng lalawigan upang magkaisa at suportahan ang kaniyang CAGANDA 2025 .

Hinikayat niya rin ang mga opisyal na dumalo sa nasabing okasyon na suportahan ang Gobernador upang makamtan ang tunay na pagbabsgo sa Cagayan.

Ayon naman kay Ret. General Edgardo Aglipay, kinatawan ni Sec. Mark Villar ng Department of Works and Highways, kaniyang ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa pag-imbita sa kaniya hindi lang bilang kumatawan kay Sec. Villar kundi bilang isang nagmamalasakit na Cagayano at handing tumulong para sa pagbabago ng Cagayan.

(EMELYNE TARRANGCO-MAPPALA,DPA)